Naalala ko.

(Jom Version)

Naaalala ko noong unang beses kitang napansen, klase yun ng PE I, ikaw yung nanominate bilang muse and if my memory serves me right, I gave my vote to you.

Naaalala ko noong isa sa mga unang klase naten kay sir Sol, sabi nya saten kumuha tayo ng information ng mga classmates naten, at ikaw yung unang unang classmate natin na nilapitan ko at kinuhaan ko ng info(number, name, address, etc.).

Naaalala ko din yung mga sandaling nagiging apple of the eye na kita, may isang pangyayare pa nga na nakita kita sa tapat ng UCC may kausap kang lalake(yung classmate ni ate dea na naging partner mo noong JS prom nyo noong HS), nag hi ako sayo nun, pero ini-snob mo ako.

Naaalala ko din noong sinisipag na akong pumasok sa school para lang makita ko yung napakaganda mong mukha, yung tipong ang aga aga ko papasok tas uupo lang ako sa covered court at hihintayin ko yung pagpasok mo sa gate tapos pagmamasdan kitang maglakad palapit sa mga classmates naten.

Naaalala ko din noong nasa denial stage pa ko tungkol sa nararamdaman ko sayo kasi ayaw ko ng komplikadong sitwasyon pag sinunod ko yung nararamdaman kong ipursue ka kahit alam kong may kaibigan akong nanliligaw sayo.

Naaalala ko date noong unang beses na naka text kita, memorable sakin yun kasi nanghiram lang ako ng cellphone kay tita paz and nagbakasaling itext ka and luckily nag reply ka naman.

Naaalala ko yung mga sandaling nagsesave ako ng pera para may pangpaload at may pang text sayo.

Naaalala ko noong na late ka sa NSTP natin kay sir Dagaas, pinakanta ka nya tapos kumanta ka ng IRONIC, mula nun niresearch ko talaga yung kantang yun, tas whenever nag cocomputer ako pinapatugtog ko yun.

Naaalala ko din noong nalate ka kay sir Dagaas, nalate din yung isa nating kaklaseng lalake, wala namang nagtutukso sa inyong dalawa, pero nainis pa din ako nun, kasi gusto ko sana sa lahat ng bagay ako yung kapartner mo, kahit partner sa pagiging late.

Naaalala ko din yung kay PE I natin, na kahit ayaw na ayaw ko ng sayawan, pumapasok pa din ako sa klaseng yun para lang makita kita, kasi yun lang yung subject naten na nagiging malapit tayo (para saken lang naman hahaha).

Naaalala ko din na palagi kong binabantayan yung mga nagiging partners mo sa PE.

Naaalala ko din na kahit hindi na ako mahilig sa basketball that time, nag i stay ako after ng PE para maglaro ng basketball, kasi ikaw nag i stay ka naman para mag laro ng badminton, secretly, pinapanuod lang kita.

Naaalala ko din noong nakita kita sa labas ng school kasi na late tayo sa flag ceremony kaya nasarhan tayo ng gate, wala kang assignment kay ma’am Atilarez nun kaya di ko na din pinasa yung assignment ko.

Naaalala ko yung mga ligaw tingin halik hangin moments ko sayo, na sobrang na hihiya ako pag nakikita mo ako, pero at the same time, umaasa din ako na mapansin mong tinitingnan kita, para magka idea ka na gusto kita.

Naaalala ko yung sandaling tinanggap ko na sa sarili ko na may gusto na nga ako sayo.

Naaalala ko na naging conscious ako ng husto lalo na pag nasa paligid ka lang.

Naaalala ko na tinatry kong makipag compete sa kahit na sinong lalakeng napapansin kong may gusto din sayo.

Naaalala ko din yung nag i stalk ako sa friendster mo, yung picture mo pa nga mata lang, tas may nakalagay na “pathetic”, sinearch ko pa anoong ibig sabihin nun hahaha, tiningnan ko din yung mga pictures mo sa friendster mo, tas kinuha ko pa nga yung picture mo na naka headband ka.

Naaalala ko pa yung mga pinaggagagawa ko sa friendster, dahil nga sa wala akong idea tungkol sa panliligaw, tinatry ko lang gayahin yung mga napapanuod ko sa tv, yung nagbibigay ng flowers/chocolates/stuffed toys, and dahil estudyante lang tayo, at wala akong budget, sa friendster ko nalang ginawa.

Naaalala ko din yung nakakatext na kita, yung mga simpleng reply mo sa mga text ko, yun yung nagpapasaya at bumubuo ng bawat araw ng buhay ko.

Naaalala ko yung sarap ng pakiramdam noong napapansin kong kahit sa text lang ay napapalapit na ako sayo.

Naaalala ko pa yung kaba ng dibdib ko noong pinilit kong maglakas loob tanoongin ka kung pwede ba kitang ligawan, and sadly it’s a No.

Naaalala ko yung mga sandali na itatry kong mapalapit sayo, tas maglalakas loob nanaman akong magsabi sayong gusto kong manligaw tapos sasabihin mong hindi pa pwede, or iibahin mo yung usapan, tapos back to square one nanaman ako and magpapagood shot ulet tapos magtatry nanaman magsabe.

Naaalala ko noong nag bakasyon noong first year tayo, hinahanap hanap talaga kita, pumupunta ako ng school kahit walang pasok hoping na makita kita.

Naaalala ko din yung naging kaba ko noong nag message ako sayo noong summer tas nabanggit mo naman sakin na baka lilipat ka na ng school pag second year na tayo, parang huminto yung mundo ko nun at nalungkot ako ng husto.

Naaalala ko din noong bakasyon that year na nag tetext ako sayo and nag rereply ka naman, hindi ko pa nun alam na nagtatrabaho ka, kaya tuwang tuwa ako na akala ko na nagpupuyat ka para lang makatext ako.

Naaalala ko noong birthday ko tapos ka text kita, tuwang tuwa ako nun e, napaka saya ko talaga, yun yung unang birthday ko na naging masayang masayang masayang masayang masaya ako. :).

Naaalala ko din noong nagpumilit akong magkita tayo noong summer na yon, tapos napapayag naman kita, ang aga kong nagpuntang camarin nun, excited na makita ka, noong dumating ka na laking ngiti ko, may dala kang backpack nun, kasi sabi mo babalik ka na sa appartment nyo nila ate mo, tas binili kita ng foot long saka RC, kumain muna tayo ng miryenda tas umalis ka na. Bigla ko lang ding naalala, noong nasa volleyball team ka, kumakain kayo ni ate daisy dun sa may burger stand dati sa harap noong tindahan nila nanay (yung lagi nating kinakainan ng footlong) sinabihan kitang good luck nun tas nag thank you ka at nag smile, tuwang tuwa ako nun e, kilig to death. hahahaha

for the mean time hanggang dito nalang muna, 2:30 am na e, maaga pa pasok ko mamaya, mahal na mahal ko yung may-are ng laptop na to and yung babaeng tinutukoy ko sa bawat memories na naisulat ko na so far. mukang mababasa mo to in advance mahal. hehehe, madami pa sana akong gustong ilagay kaso alam kong hindi ka matutuwa kung mag eextend pa ko ng pagpupuyat ko e. I love you so much. mwuah

2_jamjom_2

Advertisements

2 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s