Naalala ko.

(Jam Version)

Naaalala ko pa yung una kitang nakita, nakaupo kayo ng mga kaibigan mo sa klase habang kame naman ay nakatayo dahil wala ng upuan. Unang klase natin yun noong college.

Naaalala ko yung mga sandaling nakikita kitang nakatingin saken tapos sabay yuyuko kapag napatingin na ako sayo, klase yun ng English I.

Naaalala ko noong sinabihan mo akong ‘tumataba ka’ kahit di naman kita close at bigla bigla ka nalang magkocomment sa physical appearance ko, klase yun ng Math.

Naalala ko yung mga pinopost mo sa FRIENDSTER wall ko, puro flowers na di ko alam kung bakit mo ginagawa. Naaalala ko yung mga panahong nagtetext ka saken (simpleng hi) at ako naman inaabot ng madaling-araw bago magreply.

Naaalala ko yung pinahiram mo ako ng face towel dahil umaambon kahit di ko naman hinihiram.

Naaalala ko yung kwento ng isang kaklase natin, yung ilang beses mong tinawag ang ilan sa mga kaklase natin ng pangalan ko na hindi mo napapansin at nagtatakbo ka sa hiya.

Naalala ko rin noong tinanong ako noong isang professor kung boyfriend daw ba kita kase nakita niyang pangalan ko ang password ng isang web hosting account mo, klase yun ng HTML.

Naaalala ko noong inaya mo akong sumayaw sa isang debut, ilang beses kitang natapakan pero sabi mo ‘okay lang’ sabay ngiti.

Naaalala ko noong inaya mo akong makipagkita sa school, bakasyon nun.

Naaalala ko noong mga panahong handa mo akong hintayin para ihatid pauwi o sa mga usapan natin kahit madalas tinatakasan kita.

Naaalala ko yung mga sandaling umiyak ka sa harap ko, mga panahong nararamdaman kong seryoso ang pagmamahal mo.

Naaalala ko yung mga panahong nahuhulog na ang loob ko sayo, lagi tayong magkasama at maglalakad lakad kung saan saan at mag uusap ng kung anu-ano lang.

Naaalala ko yung mga panahong nililibre mo ako, kahit alam kong wala kang budget binibilhan mo parin ako ng mga pagkaing gusto ko.

Naaalala ko yung pinakilala mo ako sa parents mo, gustong kong umuwi dahil natatakot ako at dahil hindi pa naman tayo.

Naaalala ko noong sinabi mong ako palang ang babaeng nililigawan mo.

Naaalala ko noong pinaghihimay mo ako ng galunggong noong kumakain tayo sa inyo, kahit mahirap ang sitwasyon at kalagayan natin sa buhay damang dama ko kung gaano ako kahalaga sa iyo.

Naaalala kung pano mo ibinuhos ang lahat ng makakaya mo mapasagot mo lang ako.

Naaalala ko yung suporta mo sa unang summer job ko (SSS). Naaalala ko rin noong ayaw mo akong pauwiin sa bahay, gusto mong sagutin muna kita dahil natatakot kang may ibang manligaw saken sa trabahong papasukan ko.

Naaalala ko rin kung pano mo sinabing ‘YES!’. Ang saya saya ng mukha mo noon.

Wala lang. Naalala ko lang kung paano mo ako niligawan at pinaibig. Mahal na mahal kita.  Hindi ko malilimutan ang mga sandaling magkasama tayong dalawa. Kung paano mo ako iningatan noon, hanggang ngayon.

E noong tayo na.

Naaalala mo ba yung nakipag pantentero tayo sa Circle? Yung hindi natin alam na may underpass pala at eengot engot na tinawid natin ang elliptical road ng Circle. HAHA muntikan na tayo dun!

Eto pa, naaalala mo ba noong una tayong nanuod sa IMAX Theatre? Yung umupo tayo sa hindi natin upuan kase akala natin hindi nasusunod ang seating arrangement at pinatayo tayo kalagitnaan ng movie “Ma’am mali po yung inuupuan n’yo.” sabi noong guard. HAHA

Naalala mo noong sumakay tayo ng Space Shuttle sa EK? Sigaw ako ng sigaw pero ikaw nakayuko lang, akala ko tuloy nahimatay ka na.

Naaalala mo ba yung kumain tayo sa China Town? Yung tinitinggnan ka ng mga tao dahil sa plato mo kinain yung noodles dahil hindi mo alam na ilalagay pala yun sa bowl ng sabaw. HAHA

Naalala mo yung nag aapply tayo para sa OJT? Yung may sugat ka sa paa pero lakad parin tayo ng lakad.

Naalala mo yung nagsuot tayo ng formal at nagpicture picture sa bubungan niyo?

Naalala mo noong pumunta tayong Batangas at inalagaan mo ako ng husto? Naiyak ka pa nga noong umuwi na tayo (sa sobrang saya).

Naaalala mo noong inutusan kitang pumunta sa banyo ng conference room at amuyin kung amoy tae pa, pero JACKPOT at kay boss dave ko nai-send yung message? HAHA

Naaalala mo noong muntikan na tayong hindi makagraduate dahil binigyan tayo ng singko? Nagiyakan tayo nun sa bahay niyo.

Naaalala mo ba yung sumali ka sa isang gay contest at ako ang escort mo? HAHAHA Alam kong ayaw mo na iyong maalala pero pinaalala ko lang sa iyo ngayon.

Naaalala mo ba yung nag-iyakan tayo sa movie na `The Notebook` at `Miracle in Cell No 7`? Pulang pula mata mo nuon para kang naka drugs habang ako naman tumutulo na yung sipon. HAHAHA.

Naaalala mo ba yung tinuruan mo akong mag-bike sa bakanteng lote sa likod ng SM? Hindi ka umalis sa tabi ko kahit alam kong pagod na pagod ka na sa kakatakbo masundan lang ako at maalalayan.

Naaalala mo ba yung monthsarry date natin noong Aug. 9, 2013? Yung bumili pa tayo ng bagong damit at sapatos para lang sa date natin. HAHA.

Eh naaalala mo yung movie na IGOR at How to train your dragon 1 and 2 at Monsters University? Yung mga pang batang movies na sabay natin panuorin na paulit ulit ulit ulit. HAHA.

Naalala mo yung nanuod tayo ng Miracle in Cell no. 7? Yung sumakit lalamunan natin sa pagpipigil umiyak pero nag-iyakan parin tayo.

Naalala mo kapag umuuwi tayo galing sa trabaho? Yung hihiramin ko yung headset mo tapos makikinig tayo ng mga nakakainlove na musics habang nakasandal ako sa balikat mo.

Hinding hindi ko rin malilimutan noong time na sobrang depressed ako tapos nakikinig ka lang sa mga walang katapusan na hinaing at reklamo ko sa buhay habang nginangata natin yung CENTENNIAL PIZZA. Tandang tanda ko kung paano mo ako kinampihan at kahit alam kong may pasok ka pa kinabukasan inabot tayo ng madaling araw, ni hindi kita nakitaan nang pagkapagod sa pakikinig sa mga tantrums ko.

Naalala ko rin yung na-MOOM MANES ka sa office niyo.

Naalala ko noong nakabasag ako ng bote ng paminta, tapos ayaw mo akong gumalaw kase baka masugatan ako. Nilinis mo agad yung kalat tapos binuhat ako papunta sa lugar na walang basag na bote. Bahing ka pa nga ng bahing habang naglilinis noon eh. 🙂

Naalala ko noong unang beses kong nagluto ng pansit. Hindi ko alam na marami pala yung kalahating kilo para sa ating dalawa at ang kinalabasan, isang bandehadong pansit ang naluto ko. Pinilit natin ubusin at yun lang kinain natin buong araw pero hindi talaga kaya! Kaya binigay nalang natin sa mga pusa. Na-purga tayo sa pansit noong araw na iyon eh! HAHA

Marami na akong magagandang at nakakatawang memories kasama ka. At gusto kong madagdagan pa iyon. Yung tipong hindi na kayang pagkasyahin sa utak ko. Pero I doubt na makakalimutan ng puso ko ang mga memories na napagsamahan natin. Handa ka nabang dagdagan ang mga alaala natin? Game on!

Ginawa ko ito para kung sakaling matatanda na tayo’t ulyanin na, pwede parin nating maaalala ang mga magagandang nangyare satin noon.

jamjom_1

Advertisements

3 Comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s